(Optics) Bridge asset mula sa Polygon > Celo
Tutulungan ka ng tutorial na ito na ilipat ang mga asset mula sa Polygon patungo sa Celo
Last updated
Was this helpful?
Tutulungan ka ng tutorial na ito na ilipat ang mga asset mula sa Polygon patungo sa Celo
Last updated
Was this helpful?
Kung nais mong ilipat ang mga pondo sa Celo Chain maaari mong gamitin ang cross-chain bridge na pinapagana ng Optics. Ang Optics ay ang opisyal na bridge na inirerekomenda sa dokumentasyon ng Celo Chain at nagbibigay-daan sa iyong malayang ilipat ang mga asset mula sa Celo, Polygon, at Ethereum.
Sa tutorial na ito, pupunta tayo mula sa Polygon hanggang Celo Chain sa pamamagitan ng bridge na ibinigay ng Optics. Siguraduhin mo na nai-onfigure na ang iyong Metamask wallet gamit ang kaukulang RPC para magamit ang Celo Chain.
1) Pumunta sa , i-connect ang iyong Metamask at piliin ang Polygon bilang origin chain at Celo bilang tatanggap
2) Piliin ang gustong i-bridge at i-click ang "Bridge" na button. Sa partikular na kaso na ito, i-bridge namin ang USDC (PoS) mula Polygon patungo sa Celo Chain.
3) Ang Optics Bridge ay nasa Beta pa rin, kaya kailangan mong tanggapin ang disclaimer bago magpatuloy.
4) Pagkatapos tanggapin ang disclaimer, kailangan mong kumpirmahin ang dalawang transaksyon sa Metamask, ang isa para sa pag-apruba ng paggamit ng mga pondo, at ang isa para sa epektibong pag-bridging ng mga asset. Kakailanganin mo ang MATIC para mabayaran ang transaksyong ito.
5) Pagkatapos makumpirma ang transaksyon, kakailanganin mong maghintay para sa bridge na maihatid ang transaksyon sa kanyang mga node. Maaaring tumagal ang prosesong ito sa pagitan ng 3-5 oras.
6) Pagkatapos maproseso ang transaksyon ang iyong mga pondo ay magagamit para magamit sa Celo Chain. Pwede mong gamitin ang para palitan ang iyong pUSDC para sa cUSD o isa pang gustong asset.